DENR, walang naitalang kaso ng Illegal Logging sa Central Pangasinan

Walang naitatalang kaso ng Illegal Logging sa lalawigan partikular na sa Central Pangasinan.

Ito ang binigyang linaw ni Celso Salazar, Community Environment and Natural Resources Officer o CENRO ng Dagupan kaugnay na nadiskubreng malawakang Illigal Logging sa Mountain Province.

Sa kabila nito, sinabi ni Salazar, na may mga kaso ng paglabag sa Ilegal Cutting at Ilegal Transport ang kanilang naitatala mula sa bayan ng Aguilar at Mangatarem.

Idinagdag pa ni Salazar na una nang itinaas ang bayan ng Mangatarem sa hotspot area dahil sa malawakang Illegal Cutting, ngunit ito ay naalis na sa tulong ng PNP at LGU’s.

Speak Your Mind

*