DepEd, nilinaw na mahigpit na ipinapatupad ang “No Collection Policy” sa pagpapa-enroll

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) Region 1 na mahigpit na ipinag-babawal ang paninigil ng contribution kasabay sa pagpapa-enroll ng mga estudyante.

Ito ang inihayag ni Darius Nieto, Public Information Officer ng DepEd Region 1, sa panayam ng Sonshine Radio, batay narin aniya sa ipinapatupad ng DepEd na “No Collection Policy”.

Sinabi pa ni Nieto na lahat ng mag-aaral sa kindergaten hanggang grade 4 ay walang dapat bayaran sa loob ng buong taon.

Ngunit maaari naman aniya na humingi ng voluntary contribution sa mga mag-aaral na nasa grade 5 hanggang high school pagsapit ng buwan Agosto.

Sakali naman aniya na may reklamo hinggil sa naturang usapin ay maaari ito ireport sa DepEd Regional Office.

Speak Your Mind

*