Deped Pangasinan 1, handa na sa pagpapatupad ng Senior High School

Tiniyak ng Department of Education (Deped) na handa na ang ahensya sa pagpapatupad ng Senior High School sa pagbubukas ng pasukan sa Hunyo a-trese.

Nabatid na aabot sa animnaraang (600) na mga paaralan sa pangasinan 1 deped school division ang magpapatupad ng Senior High School nabahagi ng K to 12 Program.

Ayon kay Dr. Joy Fernandez, Superintendent Pangasinan 1 School Division, sa buong rehiyong uno ang Deped Pangasinan 1 ang may pinakamalaking bilang sa magpapatupad ng senior high school.

Sinabi pa ni Fernandez na karamihan sa mga paaralan sa division ay magbibigay ng Technical, Vocational, Livelihood o TVL Track na may TESDA Specialization.

Samantala, inaasahan naman na malaking tulong sa mga estudyante ang pagpapatupad ng Senior High School dahil bukod sa Certificate of Compliance, mabibigyan din sila ng National Certificate Level II na maaari nang magamit sa paghahanap ng trabaho.

Speak Your Mind

*