DepEd, pinapurihan ang mga guro sa matagumpay na Eleksyon 2016

Saludo ang Department of Education (DepEd) Region 1 sa lahat ng mga guro na nagsilbing miembro ng Board of Election Inspectors (BEI) sa katatapos lang na halalan 2016.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Darius Nieto, Regional Information Officer ng DepEd Region 1, na batay sa kanyang natanggap na ulat, naging mapayapa at maayos ngayon kaysa sa mga nagdang eleksyon.

Maliban lang aniya sa mga ulat na nagkaroon ng ilang malfunctioned sa Vote Counting Machines (VCM), ay wala nang naitalang karahasan  na kinasasangkutan ng mga BEI.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Nieto na nagampanan ng mga guro ang kanilang trabaho na naaayon sa kanilang integridad.

Kinumpirma rin ng DepEd na natanggap na ng lahat ng mga BEI’s ang kanilang honorarium na nagkakahalaga ng P4,500.

Speak Your Mind

*