DepEd Region 1, inihanda na ang Contingency Plan sa inaasahang kakulangan ng classroom para sa Senior High School

May inihanda nang Contingency Plan ang Department of Education (DepEd) Region 1 sa inaasahang kakapusan ng silid aralan para sa Senior High School.

Ito’y kahit may abot 1,007 classroom ang inaasahang matatapos ang kontruksyon bago pa magsimula ang klase sa darating na Hunyo a-trese.

Ayon kay DepEd Regional Information Officer Darius Nieto, batid ng ahensya na kulang parin ang mga silid aralan sa rehiyon kayat maaga nilang inabisuhan ang mga school head para matugunan ito.

Tiniyak naman ni Nieto na lahat ng mag-aaral lalo na sa Senior High School ay mabibigyan ng sapat na atensyon ng DepEd.

Ang tinig ni Darius Nieto, ang DepEd Regional Information Officer sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*