DepEd Region 1, tiniyak ang kanilang disaster preparedness kaugnay sa inaasahang La Nina

Napaghandaan na ng Department of Education (DepEd) Region 1 ang inaasahang pagpasok ng La Nina o subrang pag ulan, kasabay sa pagbubukas ng klase.

Ayon kay DepEd Regional Information Officer Darius Nieto, bukas ang kanilang ugnayan sa Office of Civil Deffense (OCD) hinggil sa disaster preparedness plan.

Natukoy narin umano ng DepEd Region 1 ang mga school ng maaaring maging evacuation center sa panahon ng kalamidad.

Dagdag pa ni Nieto na regular din umano ang isinasagawang earthquake at fire drill sa lahat ng paaralan maging sa lahat ng tanggapan ng Department of Education.

Tinukoy naman ng DepEd ang mga paraalan sa Western Pangasinan ang malimit magtamo ng malaking pinsala ng kalamidad gaya ng bagyo.

Speak Your Mind

*