DepEd Region 1, walang natanggap na kaso ng School Bullying ngayong taon

Walang natanggap na kaso ng School Bullying ang Department of Education (DepEd) Region 1 mula sa mga School Division Office sa buong rehiyon.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni DepEd Regional Information Officer II Abigail Cabilin na sakali mang may mga ganitong kaso ay maayos na ito sa school level dahil sa ipinapatupad na Child Protection Committee.

Binuo umano ang Child Protection Committee sa pamumuno ng ibat-ibang posisyon sa paaralan upang matugunan ang isyu ng bullying.

Batay sa Child Protection Policy sakaling may mga batang nambully, ay agad na ipapatawag ang kanyang magulang upang kasamang haharap sa Child Protection Committee.

Speak Your Mind

*