DFA, kinumpirma na walang pilipinong sakay sa nawawalang eroplano na Egyptair

Walang pilipinong sakay sa nawawalang Egyptair Flight MS804.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) batay sa impormasyong nakuha ng Philippine Embassy sa Cairo.

Wala umanong Pilipino sa listahan ng mga pasahero na sakay ng naturang eroplano ng Egyptair.

Lulan ng nawawalang eroplano ang nasa mahigit na anim na pung pasahero.

Patungo sanang Cairo, Egypt ang naturang eroplano nang bigla itong mawala sa radar.

Isang wreckage naman ang natagpuan ng mga rescue team malapit sa greek island of karpathos ngunit itinanggi naman ng greek officials na bahagi ito ng nawawalang Egyptair Flight MS804.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation sa bahagi ng Mediterranean Sea kung saan nawala ang naturang eroplano.

Speak Your Mind

*