Disaster Mitigation Plan, ikinasa na ng PDRRMO dahil sa inaasahang La Nina

Maagang ikinasa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PPDRMO) Pangasinan ang kanilang paghahanda sa inaasahang pagpasok ng La Nina sa bansa.

Ayon kay Avinex Arenas, Training and Information Head ng PDRRMO, inihanda na nila ang kanilang Disaster Mitigation Plan kabilang na ang pagdaragdag ng bagong kagamitan na magagamit sa pagrespondi.

Sa ngayon, mayroon na ang pdrrmo ng dalawang Aluminun Rescue Boat na maaaring gamitin sa Rescue Operation mapa-ilog man o sa karagatan.

Maliban dito, sinabi ni Arenas na mayroon pang mga bagong equipment na inaasahang darating bago manalasa ang kalamidad.

Binigyang diin naman ng PDRRMO na mahalaga ang pagpapaigting ng koordinasyon sa bawat MDRRMO o Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

—-

PDRRMO, inaasahang malaki ang maitutulong ng geo-cloud system sa Disaster Preparedness

Mas mapapadali na ang pagrespondi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PPDRMO) sa panahon ng kalamidad.

Ito ay dahil napili ang lalawigan ng Pangasinan bilang pilot area para sa pagpapatupad geo-cloud system na magagamit para sa Disaster, Recovery and Management.

Ayon kay Avinex Arenas, Training and Information Head ng PDRRMO, sa Geo-Cloud Hazard Mapping mas madali nang makita ang mga lugar na malapit o prone sa landslide, baha, storm surge, tsunami, earthquake at iba pang kalamidad.

Idinagdag pa ni Arenas na malaki ang maitutulong nito sa Disaster Preparedness dahil mas maagang mabibigyan ng babala ang publiko sa panahon ng sakuna.

Speak Your Mind

*