DOH, iginiit na bawal magtinda ng sigarilyo sa mga lugar na malapit sa paaralan

Binigyang diin ng Department of Health (DOH) Region 1 na bawal ang magtinda ng sigarilyo ang mga tindahan na nasa 100 meter ang lapit sa mga paaralan.

Sa panayam ng sonshine radio kay Francisco de Vera, DOH Regional Information Officer, nilinaw nito na hindi lang sa mga paaaralan kundi maging sa mga lugar na malapit sa hospital ipinagbabawal ang pagtitinda ng sigarilyo.

Sinabi naman ni de Vera na ang may kapangyarihang magpatupad ng batas ay ang mga Local Government Unit o LGU’S sa ilalim ng isang ordinansa.

Dagdag pa ni de Vera na mahigpit na ipinagbabawal sa mga menor de edad ang bumili, bawal magbenta, at mag bigay ng sigarilyo lalo na sa mga pampublikong lugar.

Speak Your Mind

*