Double shifting, posibleng ipatupad sa ilang paaralan sa DepEd Pangasinan 1

Bunsod sa pagsisimula ang Senior High School, marami sa mga paaralan na sakop ng sa DepEd Pangasinan 1 ang planong magpatupad ng double shifting.

Ito’y dahil aabot sa (14,000) labing-apat na libong mag-aaral sa grade 11 ang papasok ngayong taon, ngunit nasa (5,000) limang-libong mga upuan pa lang mayroon ang DepEd para sa buong division.

Ayon kay Dr. Carmina Gutierrez ang public Information Officer Ng DepEd-Pangasinan I Division, nagpahayag na ng double shifting mga paaraalan kabilang na ang Pangasinan School of Arts and Trade sa Lingayen, Calasiao Comprehensive National High School, Bayambang National High School, Pangasinan National High School at iba pa.

Nilinaw naman ng DepEd na posibleng alisin ang ipapatupad na double shifting sa 3rd quarter ng taon oras na matapos ang mga karagdagang upuaan at mga ipinatatayong school building.

Speak Your Mind

*