Drainage system ng Dagupan, inihahanda na ng DPWH sa pagpasok ng tag-ulan

Inihahanda na ang mga drainage system sa lungsod ng dagupan ng Department of Public Work and Highway (DPWH) Lingayen District dahil sa inaasahang pagpasok ng tag-ulan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Engr. Rodulfo Dion, District Chief Engr. DPWH Lingayen na simula noong summer ay nagpapatuloy ang ginagawang pag-sasaayos sa drainage system ng lungsod.

Una na rito ang pagsasaayos ng drainage cannal sa Barangay Pantal na pinondohan ng P35 million noong 2015 at P50 million noong 2016.

Habang P150 million naman ang inilaan pondo para sa Sinucalan River sa bahagi ng Brgy. Bacayao hanggang  Brgy. Malued.

Tiniyak naman ni Dion na hindi maapektuhan ang pondong inilaan sa naturang mga proyekto sa pagpapalit ng bagong Administrasyong Duterte

Speak Your Mind

*