Duterte, hinamong magbitiw ang mga opisyal na nasasangkot sa korapsyon

Hinamon din ni incoming president Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng gobyerno na nasasangkot sa korapsyon na magretiro o magbitiw na sa pwesto.

Pahayag pa ni Duterte, dapat ay maghanda ang mga ito sa “combat duty”.

Ipapadala aniya niya ang naturang mga opisyal sa kuta ng Abu Sayyaf at kung na-hostage sila ng grupo ay hindi niya umano babayaran ang mga ito.

Nakiusap din si Duterte sa mga opisyal ng gobyerno na maging palangiti at palabati.

Speak Your Mind

*