Duterte, hindi titira sa Malakanyang, araw-araw pa rin umanong uuwi sa Davao City

Nilinaw ni Incoming President Rodrigo Duterte na sa malakanyang pa rin siya magta-trabaho kagaya ng mga nagdaang pangulo ng bansa.

Subalit, tiniyak ni Duterte na may posibilidad na araw-araw siyang uuwi sa Davao City na kinokonsidera niyang comfort zone.

Ipinahayag din ni Duterte na ang opisyal na oras ng kaniyang trabaho sa malakanyang ay magsisimula ng ala-una ng hapon hanggang alas-otso ng gabi para makauwi pa raw siya ng Davao City.

Tiniyak ni Duterte na makakatulog siya ng siyam hanggang sampung oras bilang pahinga.

Sinabi pa ng incoming president na hindi siya magbabasa at pipirma ng mga dokumento sa opisina dahil sa maraming bisita.

Samantala, binigyang linaw din ni Duterte na hindi siya mag-oopisina sa Panacan Depo na ginamit noon na Malakanyang in the South ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Speak Your Mind

*