Duterte, ipinagtanggol sa mga binitawang salita laban sa simbahang katoliko

Ipinagtanggol ni Atty. Salvador Panelo si President-Elect Rodrigo Duterte kaugnay sa binitawang salita nito laban sa simbahang katoliko.

Ayon kay Panelo, hindi kinakalaban ni Duterte ang simbahan katolika.

Sinabi ni Panelo na nais lamang ni Duterte na ipaliwanag na panahon na para tingnan ng simbahan ang isyu kaugnay sa lumulubong populasyon ng bansa.

Una ng ipinahayag ni Duterte na kaniyang susuwayin ang paniniwala ng simbahan para isulong ang family planning sa bansa.

Aniya, hindi na relevant ang sistema na ipinatutupad ng simbahan sa panahon ngayon.

Hinamon din ni Duterte ang mga obispo na makipagdebate sa kaniya bago siya maupo bilang pangulo kaugnay sa isyu kung saan isisiwalat din nito ang mga umano’y kanilang nagawang corruption at iskandalo.

Speak Your Mind

*