Duterte, kailangan umano ng suporta ng taumbayan para magtagumpay ang termino.

du30 lavinaAminado ang kampo ni Presumptive President Rodrigo Duterte na malaki ang maitutulong ng pakikiisa ng publiko upang maging matagumpay ang termino nito.

Ayon sa tagapagsalita ni Duterte na si Peter Lavina na hindi superman si Duterte para gawin lahat ng walang tulong ng iba kaya malaki ang maitutulong ng suporta ng taumbayan.

Kaugnay naman sa pangako ni Duterte na tutuldukan nito ang krimen at kriminalidad sa loob ng anim na buwan ay naniniwala si Lavina na may political will ang presumptive president at walang vested interest na pinoprotektahan para mahadlangan ang mga ninanais nitong mangyari sa kaniyang pamumuno.

Kasalukuyang nasa Davao City si Duterte at mula kahapon ay pormal nitong tinanggap ang mga well wishers at miyembro ng Diplomatic Corps bago pa man inauguration nito bilang pangulo ng bansa.

Speak Your Mind

*