Duterte, kauna-unahang presidente ng bansa na ipo-proklama “In Absentia”

Si President-Elect Rodrigo Duterte ang kauna-unahang presidente ng Pilipinas na ipo-proklama ng kongreso “In Absentia”.

Ito ang naging pahayag ni Senate President Franklin Drilon.

Ani Drilon, hindi naman kailangan ang pagdalo ng ipo-proklamang Presidente.

Maaari pa rin aniyang iproklama ito kahit hindi dumalo o “in absentia”.

Ang mahalaga, ani Drilon, ay ang pagganap sa tungkulin ng mga senador bilang miyembro ng National Board of Canvassers para sa proklamasyon ng nanalong presidente at bise presidente sa nakaraang eleksyon.

Speak Your Mind

*