Duterte, pinag-iingat sapag-atake sa simbahang katoliko

Pinag-iingat ni Archbishop-Emeritus Oscar Cruz si Incoming President Rodrigo Duterte sa pagsasalita o pag-atake sa simbahang katoliko.

Ayon kay Cruz na dati ring presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga taong simbahan gaya nilang mga obispo gayundin ang mga pari ay maraming pagkakamali at pagkakasala.

Hindi naman aniya nila isinisikreto na silang mga naglilingkod sa simbahan ay may pagkukulang din.

Reaksyon ito ni cruz sa pagtawag ni duterte sa simbahan bilang pinaka-ipokritong institusyon sa bansa.

Pero ayon kay Cruz, bagaman tama si Duterte na marami talagang pagkukulang ang mga taong simbahan, dapat aniyang maging maingat sa pagbibigay ng pahayag si Duterte.

Ani Cruz, iba ang “simbahan” sa “taong simbahan”, ang “simbahan” ayon kay Cruz ay banal at mananatiling matatag at nag-iisa.

Speak Your Mind

*