Duterte, pinagpapaliwanag ang Pnoy Administrasyon kaugnay sa Scarborough Shoal

Nais malaman ni incoming president Rodrigo Duterte sa kasalukuyang administrasyon kung bakit wala nang kontrol ang Pilipinas sa scarborough shoal.

Sa kanyang press conference kahapon, sinabi ni Duterte na hindi na makapag-operate ang Pilipinas sa scarborough gayong bahagi ito ng exclusive economic zone.

Ani Duterte, dapat ay ipaliwanag ito dahil ang pagkawala ng kontrol sa scarborough ay usapin ng food security sa mga residente roon.

Samantala, sinabi naman ni Senador Antonio Trillanes IV na hawak pa rin ng pilipinas ang scarborough shoal na pinag-aagawan ng Pilipinas at China.

Speak Your Mind

*