Duterte, tiniyak kay Pastor Quiboloy na maayos nitong pamumunuan ang bansa kapag nahalal siyang pangulo

13100750_1030639846983464_8490952124986895459_n

Tiniyak ni PDP Laban Standard Bearer Rodrigo Duterte na kapag nabigyan ito ng pagkakataon na maging pangulo ng bansa ay sosolusyunan nito ang matagal nang kinakaharap na problema ng bansa.

Sa live TV Program ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang Give Us This Day, tiniyak ni Duterte na magiging masaya ang taumbayan pagnatapos nito ang anim na taong termino.

Tiniyak din ni Duterte kay Pastor Apollo na magiging mabuting leader ito na may maayos na pamamalakad sa pamahalaan.

Una nang sinabi ni Duterte na tatapusin nito ang problema ng bansa sa korapsyon, kriminalidad at iligal na droga sa loob ng anim na buwan.

Kasalukuyang nangunguna si Duterte sa mga public opinion surveys sa mga tumatakbo sa pagkapangulo ngayong May 2016 elections.

Speak Your Mind

*