DZRD Sonshine Radio, isa sa binigyang pagkilala ng Philippine Red Cross

Isa ang DZRD Sonshine Radio sa binigyang pagkilala ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter sa isinagawang partners and stakeholders night at kanilang ika-63 anibersaryo.

Tumanggap ng Gold Award ang Sonshine Radio dahil sa patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programa ng Red Cross tulad ng Bloodletting Activity at regular nitong programa sa radyo.

Lubos naman ang pasalamat ni PRC-Pangasinan Chapter Administrator Floramae “Ging” Magalong, sa kanilang mga partners, stakeholders at mga volunteers na naging kaisa nila sa ikatatagumpay ng kampanya ng Red Cross.

Layon ng Red Cross na masigurong sapat ang suplay ng dugo para matugunan ang pangangailangan ng mga Pangasinense lalo na sa panahon ng emergency.

Samantala, puspusan na ang paghahanda ng Red Cross para mapunan ang kakulangan ng suplay nitong nagdaang mga buwan na itinuturing na lean season ng ahensya.

Speak Your Mind

*