E-Presyo kung saan maaaring makita online ang presyo ng mga bilihin, inilunsad

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang e-presyo kung saan maaaring makita online ang presyo ng mga bilihin.

Ayon kay DTI Undersecretary Victorio Dimagiba, makakatulong sa mga mamimili ang E-Presyo upang maging gabay sa presyo ng mga bilihin sa mga Supermarkets kada linggo o buwan.

Sa pamamagitan din ng E-Presyo, makakapili ang mga consumers ng mas mababang presyo ng mga basic at prime goods sa apatnaraang grocery stores.

Sa ngayon, sa National Capital Region pa lamang magagamit ang E-Presyo.

Speak Your Mind

*