ECOP, tutol na i-abolish ang kontraktwalisasyon

Tutol ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na i-abolish ni incoming President Rodrigo Duterte ang kontraktwalisasyon.

Ayon kay ECOP Governor Donald Dee, hindi niya nakikitang maa-abolish ang kontrakwalisasyon.

Aniya, kailangan lamang na mapaliwanagan sa susunod na administrasyon ang isyu ng kontraktwalisasyon.

Giit ni Dee, kailangan ang kontraktwalisasyon sa ilang mga industriya gaya ng construction.

Aminado naman si Dee na maraming legal cases angĀ  susulpot dahil sa isyu ng kontraktwalisasyon kung ipagbabawal ito ng susunod na administrasyon.

Pabor naman kay Dee si POEA Chief Hans Leo Cacdac dahil may mga legit forms naman aniya ang kontraktwalisasyon gaya ng outsourcing.

Speak Your Mind

*