Egyptian government, nagpadala na ng submarine sa Mediterranean Sea

Nagpadala na rin ng submarine ang bansang Egypt sa mediterranean sea para tumulong sa search and rescue operation sa pagbagsak ng Egyptair Flight 804.

Ayon kay Egypt President Abdel Fattah Al-Sisi, pakay ng naturang submarine na nahanap ang black box flight recorders ng naturang eroplano upang mabigyang linaw ang bigalaan pagbagsak nito.

Sa loob ng tatlong araw na isinasagawang rescue operation sa lugar, ilang mga katawan ng mga pasahero ang natagpuan kabilang ang ilang mga personal na kagamitan.

Nananatili naman ngayong palaisipan sa mga otoridad ang dahilan ng pagbagsak ng naturang eroplano na bigla na lamang nawala sa radar habang binabaybay ang Mediterranean Sea Airspace.

Speak Your Mind

*