El Nino, malaki ang pinsala sa industriya ng sibuyas sa bayan ng Bayambang

Malaki ang naging epekto ng pananalasa ng El Nino sa halos isang libong ektaryang paniman ng sibuyas sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Dahil dito, tumaas na ngayong buwan ng mayo ang presyo ng sibuyas sa halos P90 kada kilo mula sa dating P30-P40 kada kilo noong buwan ng abril.

Ayon kay Mercedes Peralta, Municipal Agriculturist ng Bayambang na tapos na ang anihan ng sibuyas sa bayan dahilan kaya wala ng stock at kulang na ang suplay nito sa pamilihan.

Bagamat wala pang mailabas na aksaktong tala ng pinsala sa industriya ng sibuyas, aminado rin ang Agriculture Office ng bayambang na malaki rin ang epekto sa mga panamin ang pananalasa ng Harabas.

Speak Your Mind

*