Election ban para sa appointment at hiring ng mga empleyado, tapos na ayon sa SCS

Kasabay sa pagtatapos ng Election 2016, nilinaw ng Civil Service Commission (CSC)-Pangasinan na tapos na rin ang Election Ban na ipinatutupad ng komisyon.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Romulo Nabua, Officer-In-Charger ng SCS-Pangasinan, kabilang rito ang appointment and hiring of the employees, promotion, giving salary increases at iba pa.

Ipinaliwanag ni Nabua na ang naturang Election Ban ay nagsimula noong Marso a-bente singko at nagtapos nito lamang Mayo a-otso.

Idinagdag naman ng opisyal na may mga dapat sundin sa naturang batas lalo na sa pagpapatupad ang mga outgoing elected and appointed officials.

Trabaho umano ng SCS na hanapin at salain ang evaluation report para sa mga appointee ng mga outgoing elected official.

Speak Your Mind

*