Energy at Telecommunication Cartels, planong ibigay sa mga foreign players kung hindi maganda ng serbisyo

Nagbabala si Incoming President Rodrigo Duterte sa mga Energy at Telecommunication Cartels na ibigay ito sa mga foreign players.

Ito ang pahayag ni Duterte kasunod ng mabagal na internet speed sa bansa na kinikilalang pinakamahina sa buong asya.

Sinabi ni Duterte na gagawa siya ng polisiya upang mapabilis ng mga provider ang internet speed sa bansa, at kung hindi aniya masusunod, ito na ang panahon upang buksan ito para sa foreign competition.

Ganito din ang plano ni Duterte sa energy sektor.

Ayon kay Duterte, bubuksan din niya ang industriya ng enerhiya sa mga foreign investors.

Layon ng susunod na pangulo, na mapataas ang kalidad ng serbisyo at mapababa ang bayarin sa kuryente na siya ring pinakamataas sa buong asya.

Bukod dito, plano din ni Duterte na gumamit ng renewable energy gaya ng Solar Panels na mura na ay sulit naman ang serbisyo sa suplay ng kuryente.

Speak Your Mind

*