Epekto ng climate change sa aqua culture industry sa Pangasinan, pinag-aral

Nagsagawa ng pag-aaral ang Department of Science and Technology (DOST) sa mga posibleng epekto ng climate change sa aqua culture industry sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Integrated Fisheries Technology Development Center o BFAR-NIFTDC Chief Dr. Westly Rosario sa panayam ng sonshine radio.

Ayon kay Dr. Rosario, sa ginawang documentation ng dost ipinakita niya ang mga negatibo at positibong epekto ng climate change sa ilang proyekto na minomonitor ng BFAR.

Kabilang na aniya rito ang asin industry kung saan nangunguna parin ang pangasinan sa asin producer sa buong bansa, sa Shrimp School naman ay nananatiling normal ang alagang hipon sa kabila ng matinding init ng panahon.

Ganun din aniya sa blue mussel ang kauna-unahan sa buong south east asia ay may naitalang negatibo epekto dahil madali itong mamatay sa subrang alat ng tubig.

Speak Your Mind

*