Epekto ng inaasahang pagtama ng La Nina sa bansa, pinangangambahan na

Ngayon palang pinangangambahan na ng Pangasinan Agri Pinoy Trade Center o PAPTC sa lungsod ng Urdaneta ang posibleng epekto ng inaasahang pagtama ng La Nina sa bansa.

Ayon kay Manuel Sison III, Officer -In-Charge ng PAPTC, kabilang sa maapektuhan rito ang delivery ng mga gulay, at pagkaantala ang pagharvest ng mga magsasaka dahil sa mga pag-ulan.

Bukod pa aniya rito ang mga inaasahang mga bagyo na magpapababa sa suplay ng mga gulay.

Samantala, nananatiling mababa naman ang presyo ng mga low land vegetable sa bagsakan market ng urdaneta dahil sa subrang suply ng gulay mula sa mga karatig lalawigan ng tarlac, nueva ecija, at nueva viscaya.

Sa ngayon, mabibili na ang kada kilo ng talong sa P10-P12 kada kilo, P17-20 kada kilo naman ang okra, mula naman sa P35 kada kilo mabibili na sa P40 kada kilo ng sitaw habang nasa P35 na kada kilo ng ampalaya.

Speak Your Mind

*