Farmer’s Passbook, sinimulan na ng NFA para sa pagtanggap ng ibinibentang palay

Tumatanggap na ang National Food Authority (NFA) Western Pangasinan ng accreditation and re-validation ng Farmer’s Passbook.

Ito ay upang matiyak na maibibenta sa NFA ang mga aning palay ng mga magsasaka.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay NFA Senior Enforcement & Investigation Officer (SEIO) Lita Catabay, sinabi nito na hakbang na rin ito upang mapigilan sa pananamantala ng ilang traders sa mga farmers.

Dagdag pa ni Catabay na sa pamamagitan din ng re-validation ng Farmer’s Passbook ay matitiyak ng ahensya na lehitimong farmer ang nagbebenta ng palay sa NFA.

Speak Your Mind

*