Federal System of Government, target ni President-Elect Rodrigo Duterte na mabuo sa loob ng dalawang taon

Plano ni President-Elect Rodrigo Duterte na mabuo ng komite kung saan ang mga miyembro ay mula sa mga Moro, Kristiyano at mga Lumad na siyang magpapaliwanag sa mga tao sa magandang idudulot ng pederalismo.

Kung maaalala sa naganap na kampanyahan ay kabilang sa isinulong na programa ni Dueterte ay ang pagkakaroon ng Federal System of Government para umano makaagapay ang iba pang mga rehiyon na umunlad.

Kabilang rin dito ang iba pang mga grupo tulad ng MILF, MNLF na mabibigyan din nang pagkakataon na mamahala ng kanilang sariling lokal na pamahalaan.

Positibo si Duterte na magkakaroon ng plebisito bago ang dalawang taon.

Ito ay kung matapos mabalangkas ang panukala sa pamamagitan ng Constitutional Convention (Concon).

Speak Your Mind

*