GDP ng bansa para sa unang kwarter ng taong 2016, naitala sa 6.9%

Tumaas ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa unang kwarter ngayong taon.

Naitala ang 6.9 percent na pagtaas ng GDP mula Enero hanggang abril ngayong taon.

Tumaas ang GDP dahil sa pagtaas ng industry at services sector.

Mas mabilis ito kumpara sa 5.0 percent GDP sa kaparehong panahon noong 2015.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Emmanuel Esguerra, mas mataas ang 6.9 percent GDP kumpara sa market expectation.

Dagdag pa ni Esguerra, malaki ang posibilidad na malampasan ang 7 percent GDP growth sa ikalawang kwarter ngayong 2016.

Naniniwala ang NEDA na makakamit ang 6.8 hanggang 7.8 percent growth target para sa taong ito.

Speak Your Mind

*