Gilas Pilipinas Cadets, nasungkit ang gintong medalya 2016 SEABA Stankovic Cup

Nagawa namang mai-uwi ng Gilas Pilipinas Cadets ang gintong medalya sa pagtatapos ng 2016 SEABA Stankovic Cup na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Tinalo ng Gilas ang defending champion at host country sa iskor na 97-80 sa final match.

Nanguna sa Gilas si Troy Rosario na nakagawa ng 17 points.

Samantala, nai-uwi naman ng Singapore ang bronse medal matapos nitong talunin ang Malaysia.

Ikinatuwa naman ni National Team Coach Tab Baldwin ang panalo ng Cadets sa naturang torneo.

Speak Your Mind

*