Guia Gomez at Erap Estrada, kapwa itinanggi ang alegasyon ng vote buying ng mga katunggali

Kapwa itinanggi nina San Juan City Mayor-Elect Guia Gomez at Manila Mayor-Elect Joseph Estrada ang alegasyon ng vote buying ng kampo ng mga katunggaling sina San Juan Vice Mayor Francis Zamora at Alfredo Lim.

Ayon kina Gomez at Estrada, haharapin nila ang kasong isinampa ng dalawa laban sa kanila.

Dagdag pa ni Gomez, ang kampo ng katunggalign si Zamora ang nagkaroon ng “Massive Vote Buying”.

Hindi rin aniya gawain ang bumili ng boto at mandaya.

Magsasampa rin si Gomez ng hiwalay na kaso laban kay Zamora dahil sa umano’y vote buying ng kampo nito.

Habang kumpyansa naman si Estrada na malulusutan ang kasong isinampa ni Lim laban sa kanya.

Speak Your Mind

*