Higit 2,000 guro, kailangan para sa senior high school sa Region 1

Abot dalawang libong mga guro ang kailangan ngayon ng Department of Education (DepEd) Region 1 para sa pagpapatupad ng Senior High School.

Inihayag ito ni DepEd Regional Director Dr. Alma Ruby Torio sa ginanap na Senior High School Summit na dinaluhan ng mahigit isang libong mga estudyante sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Torio, sinimulan na ang evaluation sa mga nakapasang mga guro at ngayong darating na linggo ay sasailalim na sila sa ibat-ibang training.

Kasabay nito, tiniyak naman ng DepEd na sapat ang mga paaralan para sa mga papasok na senior high school at malayo umano na magpatupad ng shifting classes.

Sa ilalim sa k+12 program, mamimili ang mga senior high ng kanilang specialization tulad ng academic, technical, vocational, livelihood, sports at arts and design.

Speak Your Mind

*