Hiwalay na proklamasyon ng presidente at bise-presidente, possible umanong mangyari

Posibleng magkaroon ng hiwalay na proklamasyon ng nanalong pangulo at pangalawang pangulo kapag hindi naipaliwanag ng Commission on Election (Comelec) ang mga kwestyunableng Certificate Of Canvass (COC’s).

Ito ang naging pahayag ng kampo ni Vice Presidential Candidate Sen.  Ferdinand Bongbong Marcos.

Ayon kay Abakada Partylist Rep. Jonathan Dela Cruz maraming mga hindi maipaliwanag ang Comelec kaugnay sa mga COC sa vice presidential kaya imposible anyang may maiproklamang nanalong bise presidente.

Sa kasalukuyan ay hinihintay rin ng kampo ni Sen. Marcos ang desisyon ng Comelec sa hiling na ipa-audit ang sistema ng tranparency at central server ng automated election system.

Ayon kay Atty. Jose Amor Amorado, head ng Quick Count Center ni Sen. Marcos, umaasa sila na pagbibigyan ng Comelec ang hiling nila na system audit.

Speak Your Mind

*