Honorarium ng mga guro na nagsilbing BEI sa nagdaang halalan, natanggap na

Natanggap na ng mga guro na nagsilbing BEI’s o Board of Election Inspectors sa lalawigan ng Pangasinan ang kanilang mga honorarium.

Ayon kay Urdaneta City Comelec Officer Miguel Bautista, una nang mabigyan ng p2,000 allowance ang higit sa isandaang guro sa lungsod na nagsilbing bei’s at nabigyan narin sila ng p4,500 na honorarium.

Sinabi pa ni Bautista na umaabot sa 19 cash card para sa bei, 98 cash card para sa support staff ng bei, 39 cash card para sa monitoring team, at 39 din para sa support staff ng monitoring team ang natangap ng Comelec Urdaneta.

Kinikilala naman ng Comelec ang malaking ambag ng mga guro na nagsilbing bei’s para sa matagumpay na lokal at nasyunal na halalan ngayong taon.

Speak Your Mind

*