HPV Vaccine, libre na para sa mga kabataang babae sa Pangasinan

Nagbibigay ngayon ang Provincial Heatlh Office (PHO) ng libreng bakuna na HPV Vaccine o Human Papillomavirus Vaccine na maituturing na Anti-Cervical Cancer.

Sinabi ni Aurora Doria, Cancer Prevention and Control Program Coordinator ng PHO na ang naturang vaccine ay mula sa DOH Region 1 para sa mga kabataang babae na nasa edad sampu hanggang labin apat na taong gulang.

Sa panayam ng sonshineradio, inihayag naman ni Doria na limitado palang para sa mga kababaihan ang naturang bakuna na ibinibigay sa mga Rural Health Unit sa buong lalawigan.

Nilinaw naman ng PHO na ang bakuna ay hindi gamot kundi ito ay prevention lamang.

Nabatid na ang HPV Vaccine ay kabilang sa National Immunization Program ng DOH kung saan layun nito na maiwasan ang virus at iba pang sakit gaya ng genital warts, vaginal at anal cancers.

Speak Your Mind

*