I.T Whistleblowers ng umano’y dayaan noong eleksyon, magsasampa ng kaso laban sa Smartmatic at Comelec

Umaapela si Council On Philippine Affairs (COPA) Secretary-General Pastor Boy Saycon sa senado na tanggalin na ang automated voting sa halalan.

Kaugnay ito ng mga iniharap niyang I.T Whistleblowers na umano’y nagdagdag-lipat ng boto para pumabor kina Mar Roxas at Leni Robredo, kandidato ng Liberal Party.

Ani Saycon, maghahain sila ng reklamong Criminal kontra Smartmatic at Commission on Elections sa umano’y dayaan.

Pero nilinaw ni Saycon na hindi sila magsasampa ng kaso laban sa sinumang pulitiko.

Pinapaubaya na lang ni Saycon sa taumbayan ang pagpapasya kung sino ang nakinabang sa sinasabing dayaan.

Speak Your Mind

*