Ilang foreign media kakapanayim si Outgoing President Noynoy Aquino ngayong araw

Magiging abala ngayong araw si Outgoing President Noynoy Aquino para sa international media interview ngayong ilang linggo na lamang ang nalalabi bago magtapos ang kaniyang termino.

Ilan sa nakaschedule para mainterview ngayong araw si Pangulong Aquino ay ang Wall Street Journal, Time Magazine At New York Times.

Gaganapin sa palasyo ng malakanyang ang interview ni Pangulong Aquino.

Matatandaang kaliwa’t kanan na ang media interview ni Pangulong Aquino hindi lamang sa foreign media kundi pati na rin ang local media.

Speak Your Mind

*