Ilang mga kumpanya ng langis, nagpatupad ng dagdag-singil sa kanilang produktong petrolyo ngayong araw

Epektibo kaninang alas sais ng umaga, magpapatupad ng dagdag-singil sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis.

Nagpatupad ang Shell at Seaoil ng trenta singko sentimong dagdag sa kada litro ng gasolina.

Nagdagdag din ng singkwenta singko sentimo sa kada litro ng kerosene at kwarenta sentimo naman sa kada litro ng diesel.

Samantala, nagtaas din ang eastern petroleum ng kwarenta sentimo sa kada litro ng diesel at trenta singko naman sa kada litro ng gasolina.

Speak Your Mind

*