Ilang miembro ng LP, sasama narin sa koalisyon ng PDP-Laban

Sasama na rin sa koalisyon ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas Ng Bayan o PDP-Laban ang Liberal Party.

Ito ay ayon sa LP members na sina iloilo Representative Jerry Treñas at Capiz Representative–Elect Emannauel Billones.

Kinumpirma rin ni House Majority Floor Leader Neptali Gonzales na lumagda na sa manifesto of support ang LP Congressmen para sa speakership ni Congressman Bebot Alvarez.

Sinabi rin ni Gonzales na nag-commit na rin ng suporta si House Speaker Sonny Belmonte para kay Alvarez.

Ayon pa kay Gonzales, pinayagan na ni Belmonte ang mga miyembro ng LP na suportahan si Alvarez basta’t hindi lilipat ng partido ang mga ito.

Ginawa ni Gonzales ang naturang pahayag matapos ang umano’y closed-door strategic meeting ng LP para sa ika-17th Congress.

Speak Your Mind

*