Ilang paaralan sa Dagupan, nakitaan ng paglabag sa fire safety code ng BFP

Nakitaan ng paglabag sa fire safety code ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang maraming pampublikong paaralan sa lungsod ng Dagupan.

Batay ito sa isinagawang inspection ng BFP kaugnay sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa buwan ng hunyo.

Ayon kay Romie Tungpayan, Dagupan City Fire Marshall, kabilang na sa nakitang paglabag ang hindi tamang electrical wiring, kawalan ng fire extinguisher, at mga alarm bells.

Idinagdag pa ni Tungpayan na hindi narin ligtas para sa mga estudyante ang mga lumang gusali sakali mang magkaroon ng sunog.

Nabatid na sa tatlumpot walong pampubliko paaralan sa lungsod ng Dagupan na sinuyod ng BFP, siyamnapung porsyento rito ang hindi ligtas sa sunog.

Speak Your Mind

*