Ilang panukalang batas, niratipikahan sa muling pagbubukas ng sesyon sa kamara kahapon

Isang daan walumput siyam na mga kongresista ang dumalo sa muling pagbubukas ng kamara para sa 3rd Regular Session ng 16th Congress kahapon.

Kasabay nito ay ang pagratipika ng ilang mga panukalang batas kabilang na ang Bill Strengthening the Balanced Housing Development Program; Bill Amending Foreign Ownership Restrictions in Specific Laws Governing Adjustment Companies, Lending Companies, Financing Companies and Investment Houses Cited in the Foreign Investment Negative List (FINL).

Gayon din ang pag apruba ng house concurrent resolution 15 para mag convene ang senado at kamara bilang national board of canvassers na siyang magbibilang ng mga boto para sa pangulo at pangalawang pangulo.

Sa ngayon suspendido na ang kamara sa kanilang legislative session at magbabalik mamayang alas-dos ng hapon para sa joint public session.

Speak Your Mind

*