Illegal Fixer, matagal na umanong problema sa tanggapan ng LTO Dagupan

Aminado ang Land Transportation Office o LTO Dagupan na matagal nang problema ang Illegal Fixer na kalimitang makikita malapit sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Richard Agbayani, Lto Chief ng Dagupan, matagal na nilang itinataboy ang mga fixer ngunit nakakalungkot aniya na kulang sila sa suporta ng barangay.

Umaasa naman si Agbayani sa bagong administrayon ni Presumptive President Rodrigo Duterte na malinis na ang ganitong gawain kabilang na ang mga insurance firms na nakapaligid sa LTO Offices.

Iginiit pa ni Agbayani na kung natanggal ng gobyerno ang pagpapatupad ng drug test ay hindi narin tanggalin ang medical test na dagdag pahirap sa mga motorista.

Speak Your Mind

*