Illegal recruitment agency, tinututukan ang DOLE sa mga isinasagawang Job Fairs

Mahigpit ring tinututukan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mga Illegal Recruitment Agency upang hindi ito makalusot sa mga isinasagawang Job Fairs.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni DOLE District Officer Bernadtte Mae Mamitag, ng DOLE Western Pangasinan na paulit-ulit rin ang babala nila sa publiko na mag-ingat upang maiwasan na mabiktima ng mga ito.

Giit pa ni Mamitag na bago makasali ang isang Recruitment Agency sa isinasagawang Job Fairs ay dapat may mga kaukulang dokumento ito gaya ng jobs order at lesinsya.

Mahigpit rin nitong babala sa publiko na huwag papatol sa mga nag-aalok ng trabaho sa mga nagbabahay-bahay dahil malaki ang porsyento na ang mga ito ay illegal recruiter.

Speak Your Mind

*