Incoming DFA Secretary, sinabing kailangang isuko ng CPP-NPA ang kanilang armas bago sumali sa gobyerno

Walang mangyayaring kasunduan pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kung hindi nito isusuko ang kanilang mga armas.

Ito ang sinabi ni Incoming Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr, matapos ang alok ni incoming President Rodrigo Duterte sa CPP na magkaroon ng pwesto sa gabinete.

Paliwanag ni Yasay, maaari namang magpatuloy ang CPP bilang organisasyon pero kung nais nito ng pwesto sa gobyerno ay dapat na abandonahin nito ang NPA na military arm nila.

Una nang sinabi ng CPP na ipinagpapasalamat nila ang naturang alok ni Duterte pero hindi umano sila interesado na maupo sa gobyerno.

Speak Your Mind

*