Incoming PNP Chief, tiniyak na walang sasantuhin sa pagsugpo sa illegal na droga at kriminalidad sa bansa

Tiniyak ni chief Superitendent Ronald Dela Rosa na wala siyang sasantuhin sa pagsugpo sa illegal na droga at kriminalidad sa bansa.

Ayon kay Dela Rosa, na siyang itinalaga ni incoming President Rodrigo Duterte bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), na talagang magkakaroon ng patayan sa pagsugpo sa droga.

Naniniwala naman si Dela Rosa na bababa ang kriminalidad kapag nabuwag na ang bentahan ng ilegal na droga.

Positibo naman si Dela Rosa na kakayanin niya bilang bagong PNP Chief na matapos sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan ang pagbuwag sa kriminalidad.

Binalaan din ni Dela Rosa ang mga pulis na sangkot sa droga na umalis na lamang sa PNP.

Speak Your Mind

*