Iniwang Election Paraphernalia sa isang abandonadong gusali sa Alaminos City, wala umanong epekto sa nakaraang eleksyon

Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na walang nangyaring dayaan sa ginanap na halalan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito’y kasunod sa natuklasang ilang election paharapernalia sa isang abandonadong gusali sa lungsod ng Alaminos kabilang na ang brown envelop para sa report ng voters list, paper seal, indelible inks, form para sa certificate votes, ballot secrecy folder, transmition report, eletion return at iba pa.

Ayon kay Estrella Cave, Comelec Officer ng Alaminos, posibleng extrang election paraphernalia at hindi na magagamit ang mga natagpuan kayat wala itong epekto sa resulta ng halalan.

Nilinaw naman ng Comelec na ang nakuha ring official ballot ay posibleng reject dahil mapapansin na sobra na namarkahang kandidato para sa kanilang posisyon

Sinabi pa ni Cave na dapat ang ginawa ng mga Board of Election Inspectors (BEI) ay inilagay nila sa loob ng ballot box ang lahat ng natirang election paraphernalia.

Speak Your Mind

*