International Human Rights Group, ikinadismaya ang pagtigil ng DOJ sa imbestigasyon sa Davao Death Squad

Kinondena ng isang U.S-Based Human Rights Group ang desisyon ng Department Of Justice (DOJ) na itigil ang imbestigasyon sa Davao Death Squad O’ dds.

Giit ni Phelim Kine, Deputy Director ng Asia Division ng Human Rights Watch, nakababahala ang naging desisyon ng DOJ.

Ito, ay dahil posibleng sinadya na hindi kailangang parusahan ang mga responsable sa mga krimen na ginawa ng mga ito.

Kaugnay nito, nanawagan si Kine sa gobyerno na muling buksan ang kaso laban sa DDS para mapanagot ang nasa likod ng Davao Death Squad at iba pang grupo na katulad nito.

Speak Your Mind

*